Marami ang Namamatay sa Maling Akala

Akala ko,
sapat na ang panahong lumipas
upang tuluyang makalimot
subalit,
sa isang sulyap mo lang pala
muling magiging sariwa
ang akala kong peklat nang sugat sa puso.
Kakatwa,
dahil pakiramdam ko’y
nilalagutan akong muli ng hininga,
hinahaplit ang buo kong katawan,
bumubuhos ang malakas na ulan,
kasabay nang unti-unting paninigas
sa lamig ng simoy ng hangin
at mga patak-
patak ng ulan
patak ng luha
at kung tutuusi’y patak na rin ng dugo
dahil unti-unti na namang umaagos
sa aking puso-
ang dugo
nagdurugo,
unti-unti na namang namamatay
ang buong pagkatao-
dahil sa larawan mo
akala ko’y nakalimot na
sa lahat ng masasakit na alaala
tunay nga ang sinabi nila
marami ang namamatay sa maling akala.

(Unang Burador, 25 Enero 2015)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s