Iba Ang Araw Ngayon

Nagising ako na di tulad ng dati. Pakiramdam ko, iba ngayon, iba ang araw na ito.
Pagkabangon sa kama, agad akong naligo at kumain ng agahan. Nagsipilyo at nagbihis. Umalis. Alam ko, iba ngayon.

Iba ang araw na ito. Iba ang init ng sikat ng araw. Iba ang ihip ng hangin, tila isang pagbabadya ng paparating na unos. Kung unos nga ba, hindi ko mawari.

Dinala ako ng dyipni sa lugar na hindi ko alam. Ngayon lang ata ako nakapunta sa lugar na ito. Pero ibinubulong ng mga nagtatagong bituin, dapat naririto ako. Hindi ko maunawaan kung bakit.

Hanggang sa unti-unti kong napagtanto, kaya pala. Ngayon pala ang araw na iyon. Kagyat na bumabalik ang lahat ng alaala. Kagyat kong napansin kung nasaan ako. Kaya pala.

Naririto ako muli sa lugar, sa mismong araw kung kailan huling bumuhos ang unos. Naririto muli ako, tila nagbabalik at sinasariwa ang nakalipas. Kaya pala iba ang araw na ito. Kaya pala ako napadpad dito. At habang pumupunit ang mga gunita, isang aparisyon ang lumilitaw. At muli, nakita ko ang hulma ng kaniyang mukha– walang kasing kinis at ganda, ang dating mga mata– nagsusumamo, ang mapupulang labi– na may matamis na ngiti.

Nakikita ko siya. Kaya pala iba ang pakiramdam ko ngayon, nagbabalik siya– sa puso, isip at alaala. Sinta, ilang taon na ba mula nang tayo’y nagkalayo?

At bumuhos ang malakas na ulan, kasabay ng pagdaloy ng mga luha. Sa lugar na ito, kung saan huling nagtagpo ang ating landas. Ngayong araw, kung kailan ang mundo ay hindi naging patas.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s