Kapag Nangusap ang mga Mata

Ano ang gagawin

kapag mga mata na ang dumulog

sa mga tala na nagtatakda

ng ating kapalaran?

Paanong hindi mahuhulog

sa balon ng pagsuyo

kung sa mga sulyap,

langit ang nadarama

kung sa mga tingin,

dampi ng ligaya.

Paanong ang titigan ay nakabubuo–

ng kakaibang pakiramdam,

ng pag-asa sa gitna ng unos ng buhay,

ng pag-ibig sa gitna ng siphayo’t lumbay,

ng pagkakaisa sa ating diwa,

ng pagkakaunawaang higit pa

sa pag-uunawaan ng magsing-irog.

Datapwat iba yatang kumilos ang mga mata

kaysa sa pusong nagdidikta ng nadarama.

Misteryo bang kailangan tuklasin

ang talinhaga ng mundong

di maitulak kabigin?

Sa larang ng pag-ibig

ni rosaryo’y di mapapanalangin

kapag nangusap ang mga mata.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s